Sa panahong halos lahat ay nakatutok sa internet dahil sa pandemiya, mariing pinaaalalahanan ng Department of Justice (DOJ) – Office of Cybercrime (OOC) na ang PANUNUOD, PAGHINGI o PAGTAGO ng KOPYA, at PAGKAKAROON ng materyales na nagpapakita ng pangaabuso sa bata ay ipinagbabawal ng mga Batas Republika Bilang 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009 o Batas Republika Bilang 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.Ang sinumang mahuhuling lumabag sa mga nasabing batas ay maaring parusahan ng PAGKAKAKULONG at MULTA.Tignan ang mga sumusunod na larawan para sa inyong kaalaman.